1. Bilang pagsuporta sa Memorandum Panrehiyon Blg. 190, s. 2016, at sa programa ng Komisyon ng Wika sa taunang Buwan ng Wikang Pambansa, na may temang:” Filipino,Wika ng Karunungan”, na maglalayon ng mga sumusunod:
a. Makapapalalim ng pagmamahal sa pambansang wika – Wikang Filipino
b. Makalinang ng mga talino at kakayahan sa pamamagitan ng mga
gawaing makapagpapaangat ng kultura, pilosopiya at lohikang pangwika
c. Makalikha ng iba pang kagamitang pampagtuturo para sa disiplinang Filipino na magpapatibay ng kurikulum sa ilalim ng konseptong lokalisasyon

2. Ang paligsahan ay gaganapin sa ika – 25 ng Agosto, 2016 sa ganap na ika-walo ng umaga sa Paaralang Elementarya ng Sta . Cristina. Kaugnay nito ang nabanggit na paligsahan ay ang mga sumusunod:
a. Pagbigkas ng Tula – Kinder
b. Masining na Pagkukuwento – Baitang 1 hanggang 3
c. Pagsulat ng Sanaysay – Baitang 4
d. Madulang Sabayang BigSayWit( Bigkas – Sayaw – Awit)-piling magaaral sa Baitang 5, at 6 na may 25 kasapi.
e. Pagsulat ng Banghay Aralin para sa mga guro

3. Magkakaroon ng pangkluster na eliminasyon.

4. Ang kakatawan sa Pandibisyong Paligsahan ang nagwagi ng unang puwesto sa pangkluster na eliminasyon.

5. Sa ganap na 7:30 – 8:00 ng umaga ang pagpapatala ng mga kalahok.

6. Binibigyan ng karapatang magpasiya sa lahat ng gawain ang bawat tagapangasiwa sa kluster na paligsahan.

7. Kalakip ng Memorandum na ito ang sumusunod na inklusyon: sipi ng piyesa pamantayan at tuntunin, at komite ng gawain.

8. Inaasahan ang madalian at malawakang pagpaparating sa kinauukulan ng Memorandum na ito.

0932 – Division Memorandum No. 69, s. 2016