1. Bilang pagtugon sa pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 ang makalinang ng isang buo at ganap na Filipinong may kapaki-pakinabang na literasi. Hinihikayat ang lahat ng guro na nagtuturo ng disiplinang Filipino mula sa Baitang 1 hanggang 5 na gamitin ang tahasang pagtuturo sa pagbuo ng banghay- aralin.
2. Ang layunin ng paggamit ng tahasang pagtuturo ay ang mga sumusunod:
a.Malawakang mapalaganap ang napapanahong kaalaman sa tahasang pagtuturo;
b.Malinang ang kasanayan sa masinop na pagbuo ng banghay – aralin; at
c. Mapaunlad ang husay at dekalidad na pagtuturo at pagkatuto.
3. Kalakip nito ang balangkas ng banghay- aralin na gamit ang tahasang pagtuturo.
4. Hinihiling ang maaga at malawakang pagpapabatid ng Memorandum na ito.