1. Bilang pagsuporta sa Memorandum Pangkagawaran BIg.079, s. 2019 para sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino” na naglalayon na ilaan ang pagdiriwang sa pagpupunyagi para sa mga katutubong wika sa bansa, hinihikayat ang lahat ng paaralan na magsagawa ng mga gawain para sa isang buwang pagdiriwang at sa panahon ng Flag Ceremony sa unang araw ng Agosto ay magkaroon ng munting impormasyon tungkol sa pagdiriwang ng wika.
2. Ang patakaran sa partisipasyon ng mga mag-aaral ay dapat naayon sa no —disruption – of— classes policy na nakasaad sa DepEd Order No. 9, s. 2005 na may pamagat na “Instituting Measures to Increase Engaged Time- on – Task and Ensuring Compliance Therewith.”
3. Kalakip ng Memorandum na ito ang lingguhang paksa sa bob ng isang buwang pagdiriwang.
4. Inaasahan ang madalian at malawakang pagpaparating sa kinauukulan ng Memorandum na ito.