1. Kaugnay ng Panrehiyunal na Memorandum Blg. 001 at Big. 312 s. 2018 na Regional Guidelines on Comprehensive Reading Policies at BRIGADA for Every Child a Reader, ang tanggapang ito ay humihikayat sa mga paaralan na palakasin at pagtibayan ang mga programa sa pagbasa.
2. Ang mga layunin ng programang ito ay:
a. Mahikayat ang mga paaralan na magkaroon ng programa sa pagbasa;
b. Makatuwang ang mga samahan na maging kabahagi sa pagpapaunlad ng programa sa pagbasa;at
c. Malinang ang kawilihan sa pagbasa bilang ika-21 siglong kasanayan
3. Ang lahat ng paaralan ay dapat magkaroon ng programa sa pagbasa maging ito ay sa disiplinang Ingles o Filipino.
4. Ang sipi ng nabuong proposal ng programa sa pagbasa ay inaasahang nasa Curriculum Implementation Division na sa Agosto 17, 2018.
5. Kalakip nito ang pormat ng pagbuo ng proposal ng proyekto.