1 .Alinsunod sa implementasyon ng Republic Act No. 10533 o Enhanced Basic Education Act of 2013 (K to 12 Law), ang Sangay ay nais magmungkahi ng PANSANGAY NA GABAY SA PAGMAMASID NG KLASE para sa mga tagamasid pansangay at pampurok, punong-guro, ulongguro, at dalubguro sa Filipino.
2. Layunin ng gawain na ito na makatulong sa pagpapatibay ng kahusayan sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto at masukat kung natutugunan ang mga kompetensi na itinatakda sa gabay pangkurikulum.
3. Ang mga pagmamasid ng kiase ay ibabatay sa epektibong kagamitan sa pagmamasid at ebaiwasyon sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.
4. Ang Tagamasid Pansangay, Tagamasid Pampurok at mga piling Ulong-guro sa sekundarya ang bubuo sa pandibisyong pangkat na gagawa ng gabay sa pagmamasid ng kiase.
5. Hinihiling ang mabilis na pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

0903 – Division Memorandum No. 98, s. 2018