1. Bilang tugon sa DepEd Order No. 13, s. 2023 Adoption of the National Learning Recovery Program in the Department of Education na sinusugan ng Pansangay na Reading Recovery Program at National Learning Camp na ang layunin ay paigtingin ang programa sa pagbasa at pagbilang ng mga paaralan upang mabawi ang pagkawala at pagkukulang sa pagkatuto ng mga mag-aaral , ang tanggapang ito, sa pamamagitan ng Sangay sa Implementasyon ng Kurikulum ay magsasagawa ng Pansangay no Oplan Pagpapabasa at Pagpapabilang sa mga mag-aaral na napabilang sa Low Emerging sa Filipino at English sa Baitang 4, 6 at 7 samantala sa Mathematics ay ang mga mag-aaral na nasa yugto ng Intervention sa Key Stage 1.

2. Kaugnay nito, ang pagkakaroon ng Pansangay na Oplan Pagpapabasa at Pagpapabilang sa mga naitalang low emerging learners at intervention ay isasagawa sa Pebrero 3-28, 2024. Ang gawaing ito ay may sumusunod na layunin:

a. mapaunlad ang kakayahan sa pagbasa at pagbilang ng mga low emerging learners at intervention learners;
b. maipakita ang ibang interbensyon na makakatulong upang masolusyunan ang mga suliranin sa pagbasa at pagbilang at;
c. mapalalim ang pagmamahal sa pagbasa at pagbilang para sa mga guro at mag-aaral.

3. Kalakip ng Memorandum na ito ang pangkalahatang tuntunin sa pagsasakatuparan ng gawain, Enklosyur Bilang 1, at Talaan ng mga magiging katuwang sa gawain sa Enklosyur Bilang 2.

4. Ang Memorandum na ito ay magsisilbing Pahintulot sa Paglalakbay ng mga katuwang sa gawaing ito.

5. Ang anumang gastusin sa gawaing ito ay maaaring manggaling sa pondong lokal na sasailalim sa kinagawiang panuntunan sa pagsusuma at pag-aawdit.

6. Hinihiling ang malawakang pagpapalaganap sa Memorandum na ito.

0028 Division Memorandum No. 028 s. 2025.pdf