1. Alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon Big. 1041, s. 1997, na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing ika -1 hanggang 31 ng Agosto, ipinababatid na ang ating Dibisyon ay nakikiisa sa Kagawaran ng Edukasyon at sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa gawaing ito.
2. Para sa sabayang pagliriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ipinatutupad ang KWF ang temang, “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”, na naglalayon na ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika.
3. Lakip ng Memorandum na ito ang kabuong detalye ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 ayon sa Panrehiyunal na Memorandum Blg. 566, s. 2025.
4. Inaasahan ang malawakang pagpapalaganap at pakikiisa sa Memorandum na ito.