Pinahihintulutan si Bb. Fragilyn B. Rafael na magsagawa ng isang pagpupulong para sa paghahanda sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa ika-30 ng Hunyo 2016 sa ganap ng ika -3 ng hapon sa Schools Division Conference Hall.
Ang mga sumusunod ang inaasahang dadalo sa gawaing ito:
a. Isang Susing – guro/Dalubguro sa Filipino ng bawat Paaralan Antas Elementarya
b. Ulong-guro/Susing- guro sa Filipino Antas Sekundarya
Hinihiling ang dagliang pagpaparating sa mga kinauukulan ng mga impormasyong nakapaloob sa Memorandum na ito.