Pinahihintulutan si Bb. Fragilyn B. Rafael na magsagawa ng isang pagpupulong para sa paghahanda sa Pambansang Paligsahan sa Ispeling sa ika – 20 ng Setyembre 2016 sa ganap ng ika – 2 ng hapon sa Schools Division Conference Hall.
Ang mga sumusunod ang inaasahang dadalo sa gawaing ito:
a. Isang Susing – guro/Dalubguro sa Filipino sa Baitang 6 ng bawat pampublikong paaralan
b. Isang kinatawang guro sa Filipino sa Baitang 6 ng pampribadong paaralan antas elementarya
c. Tagamasid Pampurok
Hinihiling ang dagliang pagpaparating sa mga kinauukulan ng mga impormasyong nakapaloob sa Memorandum na ito.