Naging matagumpay ang isinagawang 2nd Tayo-Tayo Summit ng DepEd Dasmariñas noong June 25, 2022 sa Vista Mall Dasmariñas na dinaluhan ng mga potential partners ng mga pampubliking paaralan sa lungsod.
Ang Summit ay naglalayong ipakilala sa mga corporate at business industries ang Adopt-a-School Program ng DepEd upang makahikayat pa ng maraming partners para sa 44 na pampublikong paaralan sa lungsod. Ang bawat pampublikong paaralan ay pinaunlakan ng kani-kanilang inimbitahang prospective private sector partners.

Pinangunahan ng Dasmariñas City Teachers Chorale ang pagsisimula ng programa, na siya namang pormal na binuksan ni Dr. Leticia T. Lopez, SGOD Chief, at sinundan ng mensahe ni Mr. Raymundo M. Cantonjos, OIC – Schools Division Superintendent.


Mas lalo pang pinatingkad ng mga mag-aaral mula sa Francisco E. Barzaga Integrated High School ang pagtitipon sa kanilang natatanging pagtatanghal habang ang AVP na inihanda ni Mr. Ser Voi Cadavedo, ASP ng Vicente P. Villanueva Memorial School ay ipinapalabas.

Mas binigyang diin ni Ms. Maeyeth Cayabyab-Cadungog, CPM, Presidente ng Philippine Marketing Association, ang kahalagahan ng Corporate Social Responsibility sa pagpapaunlad ng kompanya at pagpapalakas ng Human Resources nito, sa plenaryong kanyang pinangunahan.

Samantala, ang Hocheng Philippines Corporation o mas kilala sa brand na HCG ay naging opisyal nang partner ng DepEd Dasmariñas sa pamamagitan ng MOA Signing na isa sa mga highlights ng Summit. Ito ay dinaluhan ni Mr. Eugene Lin, Senior Vice President, Ms. Sharon Rose S. Filardo, Senior Manager, at iba pang kawani ng HCG.


Ang partnership ng HCG at DepEd Dasmariñas ay naglalayong tiyaking maayos ang mga palikuran sa mga paaralan sa lungsod sa mga ipagkakaloob nilang good quality water closet products.

Isa rin sa mga nagbigay kabuluhan sa summit ang relaunching ng Partnerships Hub, ito ay ang website ng DepEd Dasmariñas upang matulungan ang mga paaralan na makahanap ng partners. Matapos ang relaunching na pinangunahan ni Mr. Carlou Adao, IT Officer, ay binigyang pagkilala ang mga tao sa likod nito – Ms. Anne Katherine Cortez, former SEPS-SMNS, at Mr. Carlou Adao, IT Officer.

Sa isang nakaaaliw na paraan ay ipinakilala ni Mark Jayson G. Espinosa, SEPS ng Social Mobilization and Networking Section, ang Adopt-a-school Program. Kanyang ipinaliwanag ang incentives at iba pang benepisyo nito.

Pinangunahan ni Mr. Miguel R. Melendres, EPS II ng SMNS, ang Panata para sa Bata na kasiya-siyang pinaunlakan ng lahat ng dumalo dulot ng isang masaya ngunit nakakainspired na summit.

Ang summit ay nagtapos sa mensahe ni Dr. Gemma G. Cortez, CID Chief, na nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng dumalo sa pagtitipon. Mas pinalalim ng mensahe ni Dr. Cortez ang kahulugan ng pagtitipon.

Bago umuwi ay nagkaroon ng pictorial at ng simpleng tanghalian ang lahat ng heroes na dumalo.
_____
TINGNAN ANG MGA LARAWANG KUHA NINA JOSE MARIA ISRAITA AT JEROME ISAIAH CALDO:







