1. Ang Dibisyon ng Panlunsod na mga Paaralan ng Dasmariflas ay magsasagawa ng Pandibisyong Pagsasanay sa mga bagong halal na opisyal ng Supreme Student Government na may temang: “Making Young Leaders of Today a More Responsible and Committed Leaders of Tomorrow “. Nakatakda aug pagsasanay na ito sa Marso 4-5, 2016, Dasmariñas National High School.
2. Nilalayon ng Pagsasanay na ito ang mga sumusunod:
a. Imulat ang mga estudyanteng lider pang maging mas responsableng lider sa
hinaharap;
b. Ibigay aug mga kadahilanan kung saan magbibigay – kahulugan sa mabuti at
mapanagutang pamumuno;
k. Magsagawa ng mga ibat ibang gawain upang masubukan ang kanilang mga
kasanayan sa pamumuno; at
d. Hikayatin ang bawat estudyanteng lider upang makilahok sa mga aktibidad sa
pagpapaunlad ng kanilang kakayahang mamuno bilang lider.
3. Ang patakaran sa partisipasyon ng mga kalahok sa seminar na ito ay dapat na naayon sa “No Disruption of Classes Policy” na nakasaad sa DepED Order No.9, s.2005.
4. Ang bawat paaralan na kasali ay boluntaryong magbibigay sa abot ng makakaya pam sa pagtatala (registration fee) na kukunin galing sa pondo ng SSG ng bawat paaralan ngunit ang lahat ng kalahok ay inaasahang magdadala ng kanikanilang sariling pagkain.
5. Kalakip nito ang tala ng bilang ng mga gurong adbayser at mga bagong halal na lider ng SSG na kalahok, nilalaman ng pagsasanay (matrix), at lupon ng Gawain.
6. Inaasahan ang maagap na pagpapalaganap ng Memorandum na ito.