1. Bilang tugon sa DepEd Order No. 18,s. 2025 Implementing Guidelines of the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program, na ang layunin ay paigtingin ang programa sa pagbasa at pagbilang ng mga paaralan upang mabawi ang pagkawala at pagkukulang sa pagkatuto ng mga mag-aaral , ang tanggapang ito, sa pamamagitan ng Sangay sa Implementasyon ng Kurikulum ay magsasagawa ng Pansangay na Oplan Pagpapabasa at Pagpapabilang sa mga mag-aaral na nasa Baitang 3, 6, 7 at 10 na napabilang sa Low Emerging sa Filipino at English gayundin sa mga mag-aaral nasa antas ng Low Proficient sa Mathematics.
2. Kaugnay nito, ang pagkakaroon ng Pansangay na Oplan Pagpapabasa at Pagpapabilang sa mga naitalang low emerging learners at low proficient learners ay isasagawa sa Enero 27 hanggang Pebrero 25, 2026. Ang gawaing ito ay may sumusunod na layunin:
a. mapaunlad ang kakayahan sa pagbasa at pagbila_ng ng mga low emerging learners at low proficient learners;
b. maipakita ang iba’t ibang interbensyon na makakatulong upang masolusyunan ang mga suliranin sa pagbasa at pagbilang at;
c. mapalalim ang pagmamahal sa pagbasa at pagbilang para sa mga guro at mag-aaral.
3. Kalakip ng Memorandum na ito ang pangkalahatang tuntunin sa pagsasakatuparan ng gawain, Enklosyur Bilang 1, at Talaan ng mga magiging katuwang sa gawain sa Enklosyur Bilang 2.
4. Ang Memorandum na ito ay magsisilbing Pahintulot sa Paglalakbay ng mga katuwang sa gawaing ito.


