1. Kaugnay sa DepEd Memorandum No. 173, s. 2019, Hamon: Bawat Bata Bumabasa, ipinababatid ng ating Dibisyon sa parnamagitan ng Sangay sa
Implementasyon ng Kurikulum na nagkaroon ng hakbangin ng mga akdang gagamitin upang mataya ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa mula sa baitang 8 hanggang 10.
2. Ang pagkakaroon ng isang akdang gagamitin para masukat ang kasanayan at antas ng pagbasa sa lahat ng sekundaryang paaralan ang magiging batayan para sa pagsasagawa ng mga interbensyon sa pagbasa.
3. Kalakip ng Memorandum na ito ang mga sipi ng akda na gagamitin sa pagtatasa sa Antas ng Pagbasa ng mga Mag-aaral.
4. Hinihiling ang maagap at malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.