1. Bilang pagpapahalaga sa ating wika, ipinagdiriwang natin taon- taon ang Buwan ng Wikang Pambansa. Ipinalabas din ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang tema ngayong taon na “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuldas at Paglikha,” na naglalayong ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika.
2. Kaugnay nito, inaanyayahan ang mga opisyales at kawani ng Pansangay na Dibisyon ng mga Paaralan, punongguro, at mga guro ng mga paaralan na dumalo sa Pagdiriwang ng Wikang Parnbansa sa ika -26 Agosto 2022 sa ganap na ika-6:00 n.g gabi sa Dasmariñas Arena.
3. Ang mga kalahok at magiging bahagi ng palatuntunan ay inaasahang sa dako ng pagdarausan sa ganap na ika – 4:00 ng hapon para sa rehistrasyon at facing sa entablado.
4. Ang patakaran sa partisipasyon ng mga mag-aaral ay dapat naaayon sa no disruption of classes policy na nakasaad sa DepEd Order No. 9, s. 2005 na may pamagat na Instituting Measures to Increase Engaged Time- on Task and Ensuring Compliance Therewith.
5. Hinihiling ang agarang pagpapalaganap at maagap na pagtalima sa Memorandum na ito.