Pinahihintulutan si Bb. Fragilyn B. Rafael na magsagawa ng isang pagpupulong para sa paghahanda sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa ika – 6 ng Hulyo 2016 sa ganap ng ika – 3 ng hapon sa Schools Division Conference Hall.
Ang mga sumusunod ang inaasahang dadalo sa gawaing ito:
a. Isang Susing – guro/Dalubguro sa Filipino ng bawat Kluster sa Antas Elementarya
b. Ulong-guro/Susing- guro sa Filipino Antas Sekundarya
c. Isang kinatawan ng ALS
d. Isang kinatawan sa bawat Kluster ng Pribadong Paaralan
Hinihiling ang dagliang pagpaparating sa mga kinauukulan ng mga impormasyong nakapaloob sa Memorandum na ito.

0813 – Memorandum-JUL-4-17-188