Bilang pagtugon sa kalastas na mula sa Komisyon ng Wikang Filipino, sa pakikipagtulungan ng Kapisanan ng Superbisor at Guro sa Filipino (KASUGUFIL), ang ating dibisyon ay magdaraos ng Pandibisyong Paligsahan sa Ispeling: lispel Mo! ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Oktubre 18 , 2016 sa Francisco E. Barzaga Memorial School sa ganap na ika- walo ng umaga, sa lahat ng mag-aaral sa pampubliko at pambribadong mga paaralan sa antas elementarya na nasa Baitang 6.

2. Ang mga layunin ng Paligsahan ay ang sumusunod:
1. patuloy na maitaguyod ang paligsahang lilinang sa kakayahan ng mga mag-aaral patungo sa pagpapataas ng antas ng kalidad ng wikang Filipino;
2. malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa wastong ispeling ng mga salita sa bagong ortograpiyang pambansa at;
3. isang paraan ito ng malawakang pagpapalaganap ng mga napapanahong kaalaman sa wikang Filipino.

3. Ang eliminasyon ng pal igsahan ay isasagawa sa bawat Cluster sa ika – I O ng Oktubre sa bawat paaralang napiling lugar sa ganap na ika – 1 ng hapon.

4. Ang patakaran sa partisipasyon ng mga guro at mag-aaral sa pampubliko at pampribadong paaralan ay dapat naayon sa no —disruption – of – classes policy na nakasaad sa Dep Ed Order No. 9, s. 2005 na may pamagat na Instituting Measures to Increase Engaged Time- on – Task and Ensuring Compliance Therewith.

5. Kalakip nito, ang Pamantayan sa Paligsahan at mga Komite sa gawaing ito.

6. Ang madalian at malawakang pagpaparating sa kinauukulan ng Memorandum na ito ay inaasahan.

0900 – Division Memorandum No. 101,s.2016