Ipinagbibigay alam ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) –
Philippine Cultural Education Program (PCEP) at bilang pakikiisa ng Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A at ng ating Dibisyon, sa pamamagitan ng Sangay sa
Pamamahala ng Kurikulum at Pagkatuto, ipinababatid ang mga paligsahan sa
Balagtasan, Timpalak Kundiman at Lesson Exemplar: Culture-based Module Writing Contest sa ilalim ng pagdiriwang ang 11th Diwang: Sagisag Kultura ng
Pilipinas.
Lakip ng anunsyong ito ang araw, dako, at paraan ng pagpapatala para sa
gawaing ito.
Ang pagsasagawa nito ay sasailalim sa non-disruption of classes gaya ng nakasaad sa DepEd Order Blg. 9, s. 2005 na pinamagatang Instituting Measures to Increase Engaged Time – On – Task and Ensuring Compliance.
Gayundin, ang paglahok sa gawain ay boluntaryo at walang anumang kabayaran na manggaling sa mag-aaral, guro, at sa iba pang kalahok.
Para sa iyong kaalaman at gabay.