Ipinagbibigay alam ng National Commission for Culture and the Arts, Komisyon sa Wikang Filipino at bilang pakikiisa ng Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A at ng ating Dibisyon, sa pamamagitan ng Sangay sa Pamamahala ng Kurikulum at Pagkatuto, ang pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan 2023 na may temang “Kultura ng Pagkakaisa:Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa pamamagitan ng Panitikan.”
Lakip ng anunsyong ito ang iskedyul ng mga gawain sa buong buwan ng Abril sa nasabing pagdiriwang.
Ang pagsasagawa nito ay sasailalim sa non- disruption of classes gaya ng nakasaad sa DepEd Order Blg. 9, s. 2005 na pinamagatang Instituting Measures to Increase Engaged Time – On – Task and Ensuring Compliance.
Gayundin, ang paglahok sa gawain ay boluntaryo at walang anumang kabayaran na manggaling sa mag-aaral, guro at sa iba pang kalahok.
Para sa inyong kaalaman at gabay.