Ang Alyansa ng mga Pangkasaysayang Organisasyong Pangmag-aaral ng Pilipinas (ANGKOPP) ay isang ugnayang nagsisilbing tagapagbuklod, daluyan, at kinatawan ng mga pangkasaysayang organisasyong pangmag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad at
pamantasan sa Pilipinas. Ilan sa mga layunin ng ANGKOPP ay ang “mapalaganap ang kaalaman at kamalayang pangkasaysayan… nang mahikayat ang sambayanan na maiangat ang antas ng kaalaman sa bansa” [Saligang Batas ng ANGKOPP, Art. III, Sek. 1.5]. Isa sa mga paraan upang maisakatuparan ito ay ang Paligsaysayan 2018: Tagisan ng Talino at Katha. Isa itong paligsahan na may tatlong bahagi, na naglalayong pasiglahin ang interes sa kasaysayan sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo at dulog ng paghihikayat sa mga mag-aaral at guro na palawigin at palalimin ang pag-aaral at pag-iisip hinggil sa kasaysayan: ang (A) Paligsahang Pangayaw, tagisan ng talino o quiz bee, na may dalawang magkahiwalay na bahagi, ang para sa (A1) Senior High School at para sa (A2) Junior High School; (B) Paligsahang Oggayam, ang pagsulat ng sanaysay; at (C) Paligsahang Batik, ang paglikha ng poster. Gaganapin ang Paligsaysayan 2018 sa ika-10 ng Pebrero 2018 mula 8 n.u. hanggang 4 n.h., sa University of Santo Tomas, Lungsod ng Maynila (tentatibong venue)…..

IC-18-026