Ipinagbibigay alam ng Philippine Cultural Education Program (PCEP) at bilang
pakikiisa ng Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A at ng ating Dibisyon, sa
pamamagitan ng Sangay sa Pamamahala ng Kurikulum at Pagkatuto, ipinababatid ang isang Pambansang Seminar Workshop sa Wika (Plano at Polisiyang Pangwika sa Multilingguwal at Multikultural na Edukasyon).
Lakip ng anunsyong ito ang araw, dako, at paraan ng pagpapatala para sa
gawaing ito.
Ang pagsasagawa nito ay sasailalim sa non- disruption of classes gaya ng nakasaad sa DepEd Order Blg. 9, s. 2005 na pinamagatang Instituting Measures to Increase Engaged Time – On – Task and Ensuring Compliance.
Gayunclin, ang paglahok sa gawain ay boluntaryo at walang anumang
kabayaran na manggaling sa mag-aaral, guro at sa iba pang kalahok.
Para sa iyong kaalaman at gabay.