1. Bilang tugon sa DepEd Order No. 13,s. 2023 Adoption of the National Learning Recovery Program in the Department of Education na sinusugan ng Pansangay na Reading Recovery Program na ang layunin ay paigtingin ang programa sa pagbasa ng paaralan upang mabawi ang pagkawala at pagkukulang sa pagkatuto ng mga mag-aaral dulot ng pandemya, ang tanggapang ito, sa pamamagitan ng Sangay sa Implementasyon ng Kurikulum ay magsasagawa ng Pansangay na Oplan Pagpapabasa sa mga mag-aaral na napabilang sa struggling reader sa Filipino at English sa Baitang 2 at 3.

2. Kaugnay nito, ang pagkakaroon ng Pansangay na Oplan Pagpapabasa sa mga
naitalang struggling reader ay isasagawa sa Pebrero 5-24, 2024. Ang gawaing ito ay may sumusunod na layunin:

a. mapaunlad ang kakayahan sa pagbasa ng mga struggling readers;
b. maipakita ang iba’t ibang interbensyon na makakatulong upang masolusyunan ang mga suliranin sa pagbasa at;
c. mapalalim ang pagmamahal sa pagbasa para sa mga guro at mag-aaral.

3. Kalakip ng Memorandum na ito ang pangkalahatang tuntunin sa pagsasakatuparan ng gawain, Enklosyur Bilang 1, at Talaan ng mga magiging
katuwang sa gawain sa Enklosyur Bilang 2.

4. Ang Memorandum na ito ay magsisilbing Pahintulot sa Paglalakbay ng mga
katuwang sa gawaing ito.

5 Ang anumang gastusin sa gawaing ito ay maaaring manggaling sa pondong lokal
na sasailalim sa kinagawiang panuntunan sa pagsusuma at pag-aawdit.

6. Hinihiling ang malawakang pagpapaaganap sa Memorandum na ito.

0991- Division Memorandum No. 010 s. 2024.pdf