1.Kaugnay sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika na mula sa suporta ng Lokal na Pamahalaan, ang Dibisyon ay magsasagawa ng isang paligsahan sa Pagsulat ng Piyesa ng Balagtasan na tumatalakay sa mga napapanahong isyung panlokal, pambansa o pandaigdigan.

2. Layunin ng gawaing ito ang sumusunod:
a. Makatulong sa pagpapaunlad ng isang anyo ng panitikang Pilipino;
b. Makalinang ng mga gurong nagtataglay ng mga angking kakayahan at kaalaman; at
c. Maitanghal ang mga piyesa ng balagtasan sa publiko.

3. Ang mga nararapat lumahok sa pagsulat ng piyesa ng balagtasan ay manggagaling sa mga guro na mula sa mga pampublikong paaralan ng elementarya at sekundarya.

4. Magkaiba ang piyesa para sa e!ementarya at sekundarya kung kaya dalawa ang ihahayag na mananalo.

5. Ang pinakamahusay na mapipiling piyesa ng balagtasan ay gagamitin sa patimpalak sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika at pagkakalooban ng sertipiko at Php 3, 000.00.

6. Ang takdang panahon ng pagpapasa ng piyesa ay sa ika-29 ng Hulyo 2019 sa Curriculum Implementation Division kay Fragilyn B. Rafael – Pansangay na Tagamasid sa Filipino.

7. Pipiliin ang magwawagi sa pamamagitan ng mga pamantayang ito:
a. Kasiningan (Pagpili ng mga salitalpagkamalikhain) 30%
b. Paglinang sa paksa!husay ng katuwiran 50%
c. Pagtatagpo ng katuwiran 20%

8. Ang piyesa ay tatagal lamang sa bob ng limang minuto at ito ang inaasahang daloy:
a. Pagsisimula ng Lakandiwa
b. Unang tindig ng mambabalagtas 1

0854 – Division Memorandum No. 147, s. 2019