1. Bilang pagpapahalaga sa ating vvika, ipinagdiriwang natin taon – taon ang Buwan ng Wikang Pambansa. Ipinalabas din ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang tema ngayong taon “Filipino at mga Katutubong Wika:Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha,” na naglalayong ilaan ang
Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika.
2. Sa hangaring makiisa sa taunang pagdiriwang na ito, ang Sangay sa Implementasyon ng Kurikulum (Curriculum Implementation Division) at
katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod Dasmarinas ay magsasagawa ng mga pagligsahan (Tingnan ang nakalakip na gabay at panuntunan sa
karagdagang detalye).
3. Ang layunin ng gawaing ito ang sumusunod:
a. Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makikiisa sa mga programang tulad into na nagpapataas ng
kamalayang pangvvika at sibiko;
b. Mapaigting ang paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga akdang pampanitikan; at
c. Makapapalalim ng pagmamahal sa pambansang vvika — Wikang Filipino.
4. Kaugnay nito, inaanyayahan ang lahat na makipagkaisa at lumahok sa mga pagligsahang inilaan. Ang pangkluster na eliminasyon ay Kluster l at 5;
Kluster 2 at 6; Kluster 3 at 8; at Kluster 4 at 7 sa lebel ng elementarya at sekundarya bago dumating ang pandibisyong paligsahan.