1. Alinsunod sa R.A. 10533 o “Enhanced Basic Education Act of 2013” Section 7.a “In-service Training on Content and Pedagogy – Current DepED teachers shall be retrained to meet the content and performance standards of the new K to 12 curriculum “, Ang Dibisyon ng Panlunsod na mga Paaralan ng Dasmariflas ay magsasagawa ng Pandibisyong Seminar sa Asignaturang Araling Panhipunan 10 (Kontemporaryong Isyu) na may temang: “Gabay Guro sa Kontemporaryong Kaalaman (2G 2K): Isang Pantas Aral sa Nilalaman at Estratehiya sa Pagtuturo sa Araling Panhipunan 10”. Nakatakda ang pagsasanay na ito sa Oktubre 21-23, 2019 sa ganap na ika -8:00 umaga sa CSDO-Bulwagang SIGASIG.

2. Nilalayon ng Pagsasanay na ito ang sumusunod:
a. Nababatid ng mga guro ang mas malahim na kaalaman sa kritikal na nilalaman ng mga Isyung Kontemporaryo.
b. Naipapamalas ng mga guro ang kasanayan sa pagtuturo gamit ang mga angkop na estratehiya at pagtatasa alinsunod sa hinihingi ng kompetensi.
c. Nakapagpapakitang – turo ng may malahim na kaalaman at kasanayan sa paksa.

3. Walang kukuning bayad para sa pagtatala (registration fee).

4. Kalakip nito ang pangalan at bilang ng mga gurong kalahok at nilalaman ng pagsasanay (matrix).

5. Inaasahan ang maagap na pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

0785 – Division Memorandum No. 216, s. 2019