1. Bilang tugon sa Panrehiyunal na Memorandum No. 294, s.2024 para sa implementasyon ng MATATAG Kurikulum, ang ating dibisyon ay naatasan sa pamamagitan ng Pamamahala ng Kurikulum at Pagkatuto, ay magsasagawa ng pagmamapa ng mga Kasanayang Pampagkatuto ng Filipino-MATATAG Curriculum mula Abril 24-30, 2024.
2. Layunin ng gawaing ito na matukoy ang mga aklat o sanggunian sa Filipino na maaari pang gamitin sa Filipino Baitang 7 ng MATATAG Kurikulum gayundin ang pagmamapa ng mga Kasanayang Pampagkatuto na makatutulong sa pagpapalalim ng mga aralin.
3. Kalakip sa Memorandum ang tala ng mga gurong magiging bahagi sa gawaing ito.
4. Participation thereof shall be subject to the non-disruption-of-classes policy as stipulated in DepEd Order no. 9, s. 2005 entitled: Instituting Measures to increase Engaged Time-On-Task and Ensuring Compliance therewith.
5. Para sa iba pang detalye at impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay Fragilyn B. Rafael, Pansangay na Tagamasid sa Filpino sa telepono blg. 09178685820.
6. Hinihiling ang maagap at malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.