1. Bilang pagtugon sa Memorandum Rehiyonal Blg.036, s. 2023 kaugnay ng Taunang Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang, “Filipino at mga Katutubong Wika:Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katurungang Panlipunan,” sa pamamagitan ng Sangay sa Implementasyon ng Kurikulum, ang ating Sangay ay malugod na nakikiisa sa Pagdiriwan.g ng Buwan ng Wikang Pambansa alinsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997.

2. Layunin ng gawain ang sumusunod:
a. Maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito;
b. Mahikayat ang ibang ahensiyang pamparnahalaan at pampribado na makiisa sa mga programanfg tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko at;
c. Ganap na maipatupad ang Parnpanguluhang Proklamasyon Blg. 1041.

3. Ang mga paaralan ay inaanyayahang makisangkot sa mga gawaing kaugnay pagdiriwang (Tingnan ang Lakip#1).

4. Hinihikayat din ang lahat na gamitin ang social media na platform na Facebook ng bawat paaralan upang maipabatid ang mga gawain,pagpapaunlad ng kaalaman, impormasyon pangwika, at mga Trivia.

5. Para sa ilang pang mga katanungan kaugnayan ng Memorandum na ito ay mangyari lamang na makipag-ugnayan sa Superbisor ng Programang Pang-edukasyon sa Filipino, Fragilyn B. Rafael sa numerong 09178765820 o mag-email sa fragilyn.rafael@deped.gov.ph.

6. Inaasahan ang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

0615- Division Memorandum No. 386 s. 2023.pdf