1. Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, na nagtatakda ng taunang Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing ika -1 hanggang 31 ng Agosto, ipinababatid na ang ating Dibisyon ay nakikiisa sa Kagawaran ng Edukasyon at sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa gawaing ito.
2. Para sa sabayang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ipinatutupad ng KWF ang temang, “Wika Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”, na naglalayon na ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa ating mga wika.
3. Lakip ng Memorandum na ito ang kabuong detalye ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 ayon sa Panrehiyunal na Memorandum Blg. 475, s. 2026.
4. Inaasahan ang malawakang pagpapalaganap at pakikiisa sa Memorandum na ito.

