1.Ang Dibisyon ng Panlunsod na mga Paaralan ng Dasmariñas ay magsasagawa ng Pandibisyong Pantas-aral at Pagsasanay sa mga Estratihiya at Sining ng Pagtuturo sa Asignaturang Araling Panlipunan ayon sa K to 12 kurikulum. Nakatakda ang pagsasanay na ito sa Abril 25 – 27, 2017 sa Mataas na Paaralang Nasyunal ng Kongresyonal (Congressional National High School).
2. Nilalayon ng Pagsasanay na ito ang mga sumusunod: a. Nalalaman ang mga makabagong estratehiya at sining ng pagtuturo sa asignaturang Araling Panlipunan alinsunod sa disenyo at programa ng K to 12 kurikulum; b. Nauunawaan ng mga guro kung paano gamitin ang angkop na estratehiya para sa pagtuturo ng araling panlipunan; at c. Nakagagawa ng “Lesson Exemplar” sa Araling Panlipunan gamit ang mga makabagong estratehiya. 3. Ang patakaran sa partisipasyon ng mga guro sa seminar na ito ay dapat na naayon sa “No Disruption of Classes Policy” na nakasaad sa DepED Order No.9, s.2005.
4. Walang kukuning bayad para sa pagtatala (registration fee) ngunit ang lahat ng kalahok ay inaasahang magdadala ng kanikanilang sariling pagkain.
5. Kalakip nito ang tala ng bilang ng mga gurong kalahok at nilalaman ng pagsasanay (matrix).
6. Inaasahan ang maagap na pagpapalaganap ng Memorandum na ito.