1. Bilang pagsuporta sa Memorandum Panrehiyon BIg. 190, s. 2016, at sa programa ng Komisyon ng Wika sa taunang Buwan ng Wikang Pambansa, na may temang: “Filipino,Wika ng Karunungan”, na maglalayon ng mga sumusunod:
a. Makapapalalim ng pagmamahal sa pambansang wika – Wikang Filipino
b. Makalinang ng mga talino at kakayahan sa pamamagitan ng mga gawaing makapagpapaangat ng kultura, pilosopiya at lohikang pangwika
c. Makalikha ng iba pang kagamitang pampagtuturo para sa disiplinang Filipino na magpapatibay ng kurikulum sa ilalim ng konseptong lokalisasyon
2. Ang paligsahan ay gaganapin sa ika – 26 ng Agosto, 2016 sa ganap na ika-walo ng umaga sa Dasmariñas North National High School. Kaugnay nito ang nabanggit na paligsahan ay ang mga sumusunod:
a. Dagliang Pagsulat – Baitang 7
b. Sayaw interpretasyon – Baitang 7 – 9
c. Paglikha ng Maikling Pelikula – Baitang 10
d. Pagsulat ng Banghay Aralin para sa mga guro
3. Sa ganap na 7:30 – 8:00 ng umaga ang pagpapatala ng mga kalahok.
4. Kalakip ng Memorandum na ito ang sumusunod na inklusyon: pamantayan at tuntunin, at komite ng gawain.
5. Inaasahan ang madalian at malawakang pagpaparating sa kinauukulan ng Memorandum na ito.