1. Alinsunod sa Pangkagawarang Memorandum Blg. 24, s. 2016, at sa programa ng komisyon ng Wika sa taunang Buwan ng Wikang Pambansa, na may temang: “Filipino: Wika ng Karunungan’, ang Sangay ng Lungsod ng Dasmarinas – Alternative Learning System ay maglulunsad ng paligsahan na kung saan maipamamalas ng mga mag-aaral ang kanilang angking talino at pagpapahalaga sa Wikang Pambansa. Mapukaw rin ang kanilang kamalayan bilang mamamayan sa kahalagahan ng pagkilala at pagmamahal sa ating wika.
2. Ang Paligsahan ay gaganapin sa Paaralang Central ng Dasmarinas 2 – Silid Aklatan, sa ika-31 ng Agosto 2016, 8:00-5:00.Kaugnay nito ang nabanggit na paligsahan ay ang mga sumusunod:
a. Pagsulat ng Sanaysay (Elementarya/Sekondarya)
b. Pagbigkas ng Talumpati (orihinal na katha)
c. Tagisan ng Talino sa Wika at Panitikan (Elementarya/Sekondarya)
d. Paggawa ng Poster (orihinal na katha)
e. Isahang Pag-awit
f. Lakan at Lakambini
3. Ang bawat klaster ng ALS ay inaasahang magkakaroon ng kalahok sa bawat kategorya na maari niyang kunin sa alin mang Punlaan ng Karunungan (CLC) na kanyang nasasakupan. Isang kategorya lamang ang maaring lahukan ng bawat mag-aaral.
4. Ang unang tatlong makakakuha ng pinakamataas na marka sa bawat katergorya ang tatanghaling mananalo.
5. Ang pagpapatala ng mga kalahok ay sa ganap na 7:00- 8:00 ng umaga.
6. Inaanyayahan ang mga sumusunod na guro mula sa ibat-ibang departamento upang magsilbing hurado sa mga kategorya.
Bb. Fragilyn Rafael, EPS-Filipino
Gng. Marilou Cruzado, Ulong Guro, Filipino – DNHS
Gng. Marissa Cabrera, Dalubguro. Filipino – DNHS
6. Kalakip ng memorandum na ito ang sumusunod na inklusyon: pangkalahatang tagapagpaganap, pamantayan at tuntunin…..