1. Bilang pagsuporta sa Memorandum Pangkagawaran Blg. 58, s. 2017 at Memorandum Panrehiyon Blg.297, s. 2017, at katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod para sa taunang Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, na may temang:” Filipino,Wikang Mapagbago”, na maglalayon ng mga sumusunod:
a. Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makikiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko;
b. Makapapalalim ng pagmamahal sa pambansang wika – Wikang Filipino;
c. Makalinang ng mga talino at kakayahan sa pamamagitan ng mga gawaing makapagpapaangat ng kultura, pilosopiya at lohikang
pangwika- Filipino at
d. Makalikha ng iba pang kagamitang pampagtuturo para sa disiplinang Filipino na magpapatibay ng kurikulum sa ilalim ng
konseptong lokalisasyon at indiginisasyon
2. Ang paligsahan ay gaganapin sa Dasmariñas II Central School sa sumusunod na araw at sa oras na ika – walo ng umaga….