Ang Cavite Studies Center at Cavite Historical Society sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng probinsiya ng Cavite ay magsasagawa ng AGUISAYSAYAN 2019 (Aguinaldo sa Kasaysayan: Tagisan ng Kaalaman sa Buhay at Kasaysayan ng Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas) na gaganapin sa De La Salle University – Dasmariñas (DLSU-D) sa 15 Marso 2019 bilang bahagi ng paggunita ng ika-150 Taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Hen. Emilio Aguinaldo. Ang bawat munisipalidadllungsod sa Cavite ay magpapadala lamang ng isang koponan na binubuo ng 3 mag-aaral bilang opisyal na kinatawan ng bawat munisipalidadllungsod na magmumula sa Baitang 4-6 (1 mag-aaral sa bawat baitang).

Bilang paghahanda sa nalalapit na gawain, ang City Schools Division ng Dasmariñas ay magsasagawa ng Pandibisyong Tagisan ng Kaalaman sa Buhay at Kasaysayan ng Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ito ay gaganapin sa 13 Marso 2019 sa Dasmariñas II CS. Ang Pagtatala/Rehistrasyon ay magsisimula ng 8:00 hanggang 8:30 ng umaga.

Kalakip nito ay ang mekaniks ng tagisan. Maaari rin kontakin si G. Alejo S. Filio Jr., EPS ng Araling Panlipunan sa 09258869621 para sa ilang katanungan.
Ang patakaran sa partisipasyon ng mga guro at mag-aaral ay dapat na naayon sa “No Disruption of Classes Policy” na nakasaad sa DepED Order No.9, s. 2005.

Walang kukuning bayad para sa pagtatala (registration fee). Ang mga gastusin ay maaring kuhanin sa Local Funds nakabatay sa tuntunin ng pagsusuri ng accounting at awdit.

Inaasahan ang maagap na pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

0890 – Memorandum-MAR-06-19-111