Bilang pagsuporta sa kalatas ng National Commission for Culture and the Arts(NCAA), sa pamamagitan ng De La Salle University – Dasmariñas , hinihikayat na magpadala ng dalawang guro mula sa Baitang 6, Baitang 10 at Baitang 11 upang makadalo sa gawaing ilulunsad ng Komisyon sa isang opisyal na oras.
Ang patakaran sa partisipasyon ng mga guro sa pampublikong paaralan ay dapat naaayon sa no distruption – of- classes-policy na nakasaad sa DepEd Order No. 9, s. 2015 na may pamagat na Instituting Measures to Increase Engaged Time —on- Task and Ensuring Compliance Therewith.
Kalakip nito ang kalatas ng komisyon.
Hinihiling ang dagliang pagpaparating sa mga kinauukulan ng mga impormasyong nakapaloob sa Memoramdum na ito.