Bilang pagsuporta sa kalatas ng Pambansang Samahan ng mga Tagamasid at Tagapagtaguyod ng Filipino (PASATAF) hinihikayat ang mga guro na makadalo sa gawaing ilulunsad ng samahan sa isang opisyal na oras at boluntaryo.
Ang Kongreso ay magaganap sa ika -12 ng Agosto, 2017 sa Quezon Convention Center, Lucena City. Ang rehistrasyon ay Php 500.
Ang bawat nagnanais na dumalo ay maglakip ng pag- iindorso ng inyong punong – guro at ipapadala ang pangalan bago dumating ang ika —20 ng Hulyo 2017 kay:
ATENSIYON: FRAGILYN B. RAFAEL
Tagamasid Pansangay
Ipasa ang tala ng mga gurong nakadalo ng tatlong sunod na taon para sa sertipiko.
Kalakip nito ang kalatas ng samahan….