Bilang pagsuporta sa kalatas ng Pambansang Samahan ng mga Tagamasid at Tagapagtaguyod ng Filipino (PASATAF) hinihikayat ang mga guro na makadalo sa gawaing ilulunsad ng samahan sa isang opisyal na oras at boluntaryo.

Ang Kongreso ay magaganap sa ika -27 ng Agosto sa Lungsod ng Biñan sa ganap na 8:00n u – 5:00 nh. Ang rehistrasyon ay 500 piso.

Magbigay ng talaan ng pangalan ng mga guro na mapaparangalan sa kanilang pagdalo sa tatlong taon kongreso sa Filipino, (Dalawang taon sa KASUGUFIL – 2014 at 2015 sa Lungsod ng Imus at 2016 PASATAF sa Lungsod ng Biñan)

Ang bawat nagnanais na dumalo ay maglakip ng pag- iindorso ng inyong punong —guro at ipapadala ang pangalan bago dumating ang ika – 1 ng Agosto kay:

ATENSIYON: FRAGILYN B. RAFAEL
Tagamasid Pansangay

Kalakip nito ang kalatas ng samahan.

Ang madalian at malawakang pagpaparating sa kinauukulan ng Memorandum na ito ay inaasahan.

0733 – Memorandum-JUL-21-16-268