Ipinababatid sa lahat ng kinauukulan na magkakaroon ng pagpupulong para sa ginagawang Panrehiyon na DILL sa asignaturang Araling Panlipunan (Grade 7 – 11) sa ika-10 ng Oktubre sa ganap na ika-1 ng hapon sa Division Conference Hall.

Ang mga kalahok sa pagpupulong na ito ay ang lahat ng Ulong Guro (Head Teacher) sa Araling Panlipunan at ang mga piling tagapagsulat ng DLL. Ang lahat na tagapagsulat ay magdadala ng mga sumusunod:
1. Gabay Pangkurikulum sa naiatang na aralin.
2. TG at LM
3. Binuong “Budget of Work”.
4. Paunang gawang DLL.

lnaasahan ang inyong pagdalo.

0607 – Memorandum-OCT-4-16-394