Pinahihitulutan si Fragilyn B. Rafael, Tagamasid Pansangay sa Filipino na magsagawa ng birtuwal na pagpupulong sa ika-6 ng Setyembre 2022 sa mga oras na 9:00 ng umaga at 1:30 ng hapon para bigyan daan ang pagdalo ng mga kinauukulan na hindi makakaabala sa oras ng kanilang pagtuturo.
Narito ang link para sa pagpupulong meet.google.com/yqz-xit.
Agenda sa pagpupulong ang sumusunod:
1. Pandibisyong Plano ng Gawain sa Filipino
2. Pagsasagawa ng gawain sa pagbasa
3. Pagbuo ng piano sa pagbibigay ng gabay at interbensyon sa pagbasa
4. At iba pang isyu
Hinihiling ang agarang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.