Bilang paghahanda sa pagpapatibay ng kasanayan sa pagbasa at pagpapalakas sa mga proyekto ng pagbasa sa mga paaralan, pinahihintulutan si Bb. Fragilyn B. Rafael na magsagawa ng orientasyon sa bagong PHIL-IRI sa ika -26 ng Hunyo, 2018 sa Paaaralang Elementarya ng Dasmariñas, sa ganap na ika- 3:00 ng hapon.
Dalawang kinatawan sa bawat paaralan na magiging Reading Coordinator sa Filipino at English ang inaasahang dadalo sa orientasyon.
Hinihiling na magdala ng flashdrive ang bawat dadalo para magkaroon ng soft copy ng kabuuan ng sipi ng bagong PHIL – IRI.
Hinihiling ang mabilis na pagpapalaganap ng Memorandum na ito.